De Lima 'Mapapahiya Ka lang Duterte sa mga Pekeng Ebidensya at Testigo'

Tahasang binalaan ngayon ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapahiya lamang siya kung ipipilit ang alegasyong 'coddler, protector' at nakikinabang siya sa mga drug lords.

Ginawa ni Sen. De Lima ang pahayag sa kanyang muling pagharap sa media ngayong hapon sa Quezon City.

Sinabi ni Sen. De Lima, tinitiyak nitong ang mga ebidensyang hawak ni Pangulong Duterte ay hindi totoo, peke, bogus, manufactured at fabricated. Ayon kay De Lima, kung hindi man ngayon, darating ang panahong mapapahiya si Pangulong Duterte at lalabas na walang katotohanan ang paratang laban sa kanya.



Inihayag ni De Lima na kung sino man ang nagsu-supply ng impormasyon, dapat harapin na ngayon ni Duterte para piliting magpakatotoo dahil siya ang masisira.

"Mapapahiya kayo. Not now perhaps later. Wala pong katotohanan 'yan. Ayaw ko po na kayo mismo ang mapapahiya. Kung sino man ang nagsusupply ng mga impormasyon na 'yan, na nagtuturo, harapin niyo na ngayon, piliting magpakatotoo sa inyo dahil kayo po ang masisira. Hindi ngayon, pero there will be a time," ani De Lima.

No comments:

Post a Comment