Hepe ng Special Operation Unit ng Antipolo PNP Patay matapos makipagbarilan sa mga Pusher

Pumanaw na ang pulis na nanguna sa isang drug buy bust operation sa Antipolo City. Base sa record ng Antipolo District Hospital 9:05 ng pumanaw si Police Senior Inspector Mark Gil Garcia, nasa tabi niya ang kanyang asawa at kapamilya.

Dumagsa rin ang kasamahan nito sa PNP sa ospital, at inaaaahan na darating din si PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Si Garcia ay nabaril ng hinuhuling nitong drug suspek sa Antipolo pasado 7:35 kagabi.

Habang dead on the spot ang dalawang suspek na nakilala lamang ang isa sa alyas William. Pinangunahan ni Garcia ang buy-bust operation sa Sitio Maagay 1 Brgy. InaRawan.

 

Isang pulis nito ang nagpanggap na bibili ng shabu, matapos na makumpirma na nagtutulak ng shabu ang mga nasawing ay dapat aarestuhin na ang dalawa ngunit nagpaputok ang isa sa mga suspek gamit ang isang sumpak at tinamaan sa may kanang pigi ang operatiba.

Gumanti ng putok ang mga back up pulis dahilan para ikamatay ng dalawang suspek.

Nakuha sa crime scene isang sumpak, paltik at 38 caliber.

Nakakumpiska rin ang mga pulis ng 30 plastic heat sealed na naglalam ng pinaghihinalaang shabu at P620,000 pesos na drug money.

No comments:

Post a Comment