Showing posts with label DE LIMA. Show all posts
Showing posts with label DE LIMA. Show all posts

Driver Lover ni De lima Pinanawagan ni Sandra Cam na Sumuko na

Nanawagan ang kilalang whistle-blower na si Sandra Cam sa di umanoy driver lover ni senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan na sumuko na sa mga awtoridad.

Sa panayam ng Brigada News FM National kay Cam, sinabi nito na hindi makakapagtago si Dayan ng pang habang-buhay kung kayat mas maganda kung lulutang nalang ito para malinis ang kanyang pangalan.

Ayon kay Cam, mas makakabuti kay Dayan na tulungan ang gobyerno at ilahad ang kanyang nalalaman hinggil sa naging partisipasyon ng De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).




Kinakailangan rin aniya na ipaliwanag ni Dayan kung saan siya kumuha ng malaking halaga ng pera upang makapatayo ng dalawang malalaking bahay.

Mga ‘PANINIRA’ ni Senator De Lima di nakatutulong sa Gobyerno

Nakakasira sa diskarte ng isang malinis na gobyerno ang ginagawang paninira ni Senadora Leila de Lima sa pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Sal Panelo sa umiinit na alitan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng senadora.

Aniya, matagal ng binalaan ng Pangulo ang Senadora na dapat ay tigilan na nito ang mga paratang sa pamahalaan na tila lumalabag sa batas ang kampanya ng pamahalaan kontra sa droga.

Sinabi pa ni Panelo na matagal ng pinaparatangan ni De Lima ang Pangulo na nasa likod ng mga extrajudicial killings sa Davao noong mayor pa lamang ito subalit wala naman naisampang kaso kahit na naging kalihim pa ng Department of Justice (DOJ) ang Senadora.



Nakiusap rin umano ang Pangulo noon sa Senadora na hwag sirain ang ginagawang nitong paglilinis sa bansa.

De Lima 'Mapapahiya Ka lang Duterte sa mga Pekeng Ebidensya at Testigo'

Tahasang binalaan ngayon ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapahiya lamang siya kung ipipilit ang alegasyong 'coddler, protector' at nakikinabang siya sa mga drug lords.

Ginawa ni Sen. De Lima ang pahayag sa kanyang muling pagharap sa media ngayong hapon sa Quezon City.

Sinabi ni Sen. De Lima, tinitiyak nitong ang mga ebidensyang hawak ni Pangulong Duterte ay hindi totoo, peke, bogus, manufactured at fabricated. Ayon kay De Lima, kung hindi man ngayon, darating ang panahong mapapahiya si Pangulong Duterte at lalabas na walang katotohanan ang paratang laban sa kanya.



Inihayag ni De Lima na kung sino man ang nagsu-supply ng impormasyon, dapat harapin na ngayon ni Duterte para piliting magpakatotoo dahil siya ang masisira.

"Mapapahiya kayo. Not now perhaps later. Wala pong katotohanan 'yan. Ayaw ko po na kayo mismo ang mapapahiya. Kung sino man ang nagsusupply ng mga impormasyon na 'yan, na nagtuturo, harapin niyo na ngayon, piliting magpakatotoo sa inyo dahil kayo po ang masisira. Hindi ngayon, pero there will be a time," ani De Lima.

De Lima Inamin ang Ilan sa akusasyon ni Duterte

Inamin ngayon ni Senator Leila de Lima na totoo nga ang ilan sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kaniya ngunit karamihan umano dito ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Ayon sa senadora, kasinungalingan umano ang lahat ng ibinibintang ng pangulo kaugnay sa pagkakasangkot umano niya sa iligal na droga sa ating bansa.

Isa na rito ang akusasyon ni pangulong Duterte na na kasama umano siya sa payroll ng mga druglords at ang mga nakubra niya sa mga ito ay ginamit sa kaniyang pangangampaniya nooong nakaraang eleksyon.




Paliwanag pa ni De Lima,. ang kaniyang pananahimik kaugnay sa mga ibinibintang sa kaniya dahil nahihirapan pa umano siya matapos ang naturang public shaming.