"Pulis Baguio." Tama ba ugali mo?

We love baguio but with this pulis man were so disappointed. Ganito pala ang pulis sa baguio off duty pa sya. Nagovertake kami sa kanya kanina sa may daan maayos naman kaming nagovertake then sumigaw sya binulyawan kami hinayaan namin. 

Nung asa stop light kami hinawakan ko tulod nung girlfriend ko kasi baka matama sa ibang sasakyan sa highway then tinignan ko yung lalaking bumulyaw samin kasi katapat namin. Tapos bigla bigla bumaba sya sa sasakyan nya hinawakan nya balikat ko ng medyo may pagkahalong gigil pinagmamalaki nya PULIS daw sya sa baguio. Mataas daw rangko nya. 



SPO4 daw sya. Dapat daw syang galangin at sinasabi nyang nag "FUCKYOU" sign kami sa kanya. Minura nya ko sa harap ng madaming tao binatukan muntik sinuntok at higit sa lahat humuhugot sya ng baril na nakasibilyan. Ganito po ba ang attitude ng tamang pulis.

Ni violation wala akong nilabag tapos ganon sya. Grabe! Sobra! Ang sama! Sasabihan pa nya kong makakahanap rin daw ako ng papatay sakin. Share nyo nalang po. Sa mga aakyat po ng baguio magingat po kayo sa pulis na to. Di ko po nilalahat kasi may lumapit rin naman pong isang pulis samin na nakasibilyan rin nagmamasid at tumulong po samin. Kayo nalang po mag judge. Thank you I just want to share it and be careful po sa pulis na mayabang na to.

No comments:

Post a Comment