“Kalaboso na ngayon ang mag live—in
partner na matapos hampasin ang isang MMDA traffic enforcer na nanita sa kanila
sa C—5 Road sa corner Green meadow Avenue Barangay Bagumbayan, Quezon City.”
Ayon sa balita, sinita ng traffic
na si constable Geraldo Santiago ang live-in partner na nakasakay sa isang motorsiklo
dahil sila ay lumabag sa dress code.
Bawal ang tsinelas at naka shorts kapag nagmo—motorsiklo.
Sa halip na tanggapin ang tiket na binigay sa kanila, nakipagtalo pa ang dalawa habang ang isang babae na nakilala na si Roslyn Garcia ay kinalmot, sinipa at hinampas ng helmet ang enforcer.
Pati ang photographer ng isang tabloid ay hinabol din ng nasabing babae.
Kalaboso na ngayon si Garcia at kanyang ka—live—in na nakilalang si Edwin Girimbao ng QCPD Station 12. Sila ngayon ay nahaharap sa kasong direct assault at physical injuries.
yan ang epekto ng naniniwala sa yellow ribbon... pati enforcers in uniform di ginagalang...
ReplyDeleteakala siguro nasa probinsya sila na pwede gawin gusto nila, riding in tandem pa.. tsk tsk tsk