Erap Nanawagang Irespeto ang desisyon ni Duterte sa Hero’s burial ni Marcos

Nanawagan si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa lahat ng Filipino na mag move-on at irespeto na lamang ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte na pahintulutang mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Erap, mas makabubuti kung mas pagtutuunan ng pansin ang iba pang problema ng bansa at mag-move on na sa nakaraan.

Sinabi din ng alkalde na nararapat din na igalang ang namayapang dating pangulo ng bansa. Hindi na dapat aniya nauuwi sa bangayan ang nasabing isyu lalo pa’t ang pinakamataas na opisyal na ng bansa nagdesisyon.



Nabatid na nakatakdang ihimlay ang namayapang Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18.

Una nang ipinag-utos ni Duterte ang preparasyon sa nasabing hero’s burial.

Iginiit ni Duterte na nararapat lamang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil dati siyang sundalo at pangulo ng bansa.


Noong nakaraang linggo, daan daan indibiduwal na pawang mga anti-Marcos ang nagtungo sa Lapu Lapu Shrine sa Rizal Park upang magsagawa ng kilos protesta kontra sa nasabing hero’s burial.

7 comments:

  1. Buti pa to c Erap di bitter..! Respect whatever the decission of the President is b'coz his purpose is to moving on not to looking back from the past and keep on blaming..At wag pangunahan ang Pangulo kasi di hamak na mas marami syang alam ng panahon ni Marcos na katotohanan at di kasinungalingan..!

    ReplyDelete
  2. Dapat talaga para ang mga Ilokano eh magforgive na rin. HIndi kayo ang magsasabing makasalanan si Presidente Marcos at Dios lang ang maghuhusga sa kanya.

    ReplyDelete
  3. Kung ang panginoon nga nakakapagpatawad.tayo pa kaya? Move on na.. Patay na yan

    ReplyDelete
  4. Bitter tong mga to, forgive and forget, move on na, WE CANNOT CORRECT OUR HISTORY

    ReplyDelete
  5. Ang mga Yellowtard mga moron...Ang pinakaayaw na malaman ng Aquino kung bakit matigas pa rin sila...Malalaman ng buong Bayan ang katutuhanan na MAS MARAMING NAGMAMAHAL pa rin sa mga MARCOS!!!Di tulad ng pingdadakdak ng mga Dilaw na millions and thousands of people against the Burial of our REAL HERO FEM..

    ReplyDelete
  6. All this yellowturd with heart of stones will go straight to hell for their unforgiving hearts.You will all rot in hell!!

    ReplyDelete