Ipauubaya na sa SC ni Duterte ang Pagbubunyag sa kaniyang Narco list

Ipapaubaya na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Supreme Court ang pagbubunyag ng mga pangalan sa kaniyang narco list.

Ito ang inihayag ng pangulo matapos itong humingi ng tawad kay Sereno kaugnay sa maaanghang na salita bilang reaksyon sa paghimok ng Chief Justice sa mga hukom na nasa narco list na huwag sumuko nang walang arrest warrant.



Ayon sa pangulo, ipapadala na lamang niya ang listahan kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ito na ang bahala kung papangalanan ito sa publiko.

Mababatid na kamakailan lamang ay inilunsad ng pangulo ang kaniyang shame campaign laban sa mga opisyal na umanoy protektor ng mga drug syndicate sa bansa kung saan kinabibilangan ng mga alkalde, pulis at mga hukom.

(Brigada)

No comments:

Post a Comment