Hindi Akusasyon kundi Impormasyon ang Pahayag ng Pangulo vs. De Lima


Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi akusasyon kundi impormasyon ang binitawang mga pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte kontra kay Sen. Leila de Lima.

Sa intreview ng Bombo Radyo kay Panelo, sinabi nito ang hakbang ng presidente ay kabilang lamang sa kaniyang responsibilidad sa pagpatupad ng mandato na makapagbigay ng impormasyon sa totoong pag-uugali ng senadora.



Ito rin ang paraan ayon sa kaniya upang malaman ng publiko ang ginagawa ng isang public official.

Dagdag pa ni Secretary Panelo, na hindi character assassination ang ginawa ng presidente dahil wala naman umanong maririnig na pagtatanggi mula sa senadora.

Nilinaw rin ng kampo ni Duterte, na hindi paghihiganti kay De Lima ang ginagawa ng presidente dahil matagal na taon na rin naman ang nakalipas noong alkalde pa lang ang presidente kung saan marami ng ibinabato sa kaniya si De Lima.

Hindi rin aniya ito magiging sanhi upang magkaroon ng "chilling effect" dahil ito ay nangyayari lamang sa mga opisyal na hindi sumusunod sa batas.

No comments:

Post a Comment