Showing posts with label appointed. Show all posts
Showing posts with label appointed. Show all posts

Serbisyong Publiko Hindi apektado ng pagsibak sa libu-libong presidential appointees

Matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga presidential appointee, epektibo ngayong araw, tiniyak ng Malakanyang na hindi mako-kompromiso ang serbisyo sa publiko ng mga kinauukulang regulatory agencies.

Paliwanag ni Presidential Communications Office (PCO) secretary Martin Andanar, malakas naman ang burokrasya ng bansa na kayang magpatakbo sa gobyerno kahit pansamantalang walang pinuno sa ilang ahensya.

Dagdag pa ni Andanar, sa kawalan ng mga appointees simula ngayong araw, wala naman aniya silang nakikitang problema dahil may mga deputy naman at career officers ang mga ahensiya, na maaaring magpatakbo sa trabaho ng mga government offices.

“Ang ating burokrasya ay malakas po naman, eh nakatayo po naman ang burokrasya kahit po wala iyong mga pinuno. Mayroon namang mga deputy, mayroon naman tayong mga career officers, so wala hong problema, tatakbo po ang ating gobyerno,” ayon kay Andanar.

Una rito nagpasya ang pangulo na gawing bakante, ang libu-libong presidential appointee positions sinula ngayong araw dahil sa laganap pa rin aniyang ang korupsyon sa gobyerno.

Partikular na pinuntirya ng pangulo ang korupsyon sa LTO at LTFRB.

Una nang sinabi ni Andanar na ngayong araw ay nakatakdang maglabas ng memorandum ang Malakanyang na magdedetalye ng nasabing kautusan ni Pangulong Duterte.

Duterte - All Appointive Positions sa Gobyerno "Bakante Bukas"

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang idedeklara lahat ng appointive government positions sa Lunes na bakante dahil hindi tumugon ang burukrasya sa kanyang panawagan na itigil na ang korapsyon.

yon kay Duterte kanyang idedeklara lahat ng appointive positions sa buong bansa dahil sa laganap pa din ang korapsyon dito.

Binigyang diin ni Duterte ang korapsyon sa Land Transportation Office and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na hindi maapektuhan ang mga career officials.

Ipinahayag ni Duterte na lahat ng appointive positions sa gobyerno kahit nasa libu-libo ang bilang.

Sinabi din ni Duterte na galit siya sa korapsyon at ayaw niyang bigyan ng sakit na ulo ang kanyang kapwa.

Binanggit din ng pangulo na kanyang babalikan ang kaso ng businesswoman na si Janet Lim-Napoles nan aka-detain dahil sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng pagkakaroon ng conspiracy sa mga mababatas sa pagnakaw ng milyun-milyong piso mula sa pork barrel.

Ayon kay Duterte meron siyang ibubunyag kaugnay ng nasabing isyu.