Showing posts with label president. Show all posts
Showing posts with label president. Show all posts

Mga Aquino Appointees Pinagsusumite na ng Courtesy Resignation

Binigyan ng 7 araw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga presidential appointee ng nakalipas na Aquino administration para magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Sa memorandum circular na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, exempted sa direktiba ng Pangulo ang mga bagong talagang cabinet secretaries, undersecretaries at assistant secretaries sa kani-kanilang departamento kabilang ang presidential advisers and assistants, iba pang opisyal sa executive department kabilang ang state universities and colleges at government owned and controlled corporations (GOCCs) na itinalaga ng kasalukuyang Pangulo.


Bukod pa ito sa career officials na tinutukoy sa civil service laws, rules at regulations, miyembro ng judiciary, mga opisyal na ang tanggapan ay binuo sa ilalim ng konstitusyon tulad ng Constitutional Commissions at Ombudsman gayundin ang mga appointments na pinoproseso pa o mga itinalaga ng Pangulo matapos ang effectivity ng nasabing memorandum circular.

Nakasaad din sa memo na hiwalay na tututukan ng administrasyon ang mga presidential appointee sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Tanging ang Pangulong Duterte o si Medialdea sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pangulo ang uubrang umakto sa courtesy resignations subalit maaari nilang ikunsider ang rekomendasyon ng appointee ng tanggapan o agency head.

Gabriela sa Pangulong Duterte "Mali ka"

Kung mayroon mang pagkakamali si Pangulong Rodrigo Duterte sa away nila ni Sen. Leila de Lima, ito ay ang ‘sexist attack’ ng una, ayon sa women’s party na Gabriela.

“Resorting to sexist attack is likewise wrong and unacceptable,” anang grupo ng kababaihan.

Ayon kay Rep. Emmi de Jesus, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Duterte sa kanilang kapwa babae na si De Lima at nangangamba pa ang personal na away ay hindi makakatulong sa pagresolba ng problema sa droga sa bansa.


“Personal attacks muddle investigation and steer people further away from truth and justice. We urge President Rodrigo Duterte and Senator Leila De Lima to both stick to facts in both the investigations on extrajudicial kil­lings and the probe on drug trafficking and coddling,” ani De Jesus.

Suportado din ng grupo ang ginagawang imbestigasyon ni De Lima sa extrajudicial killings sa gitna ng kampanya sa ilegal na droga ng admi­nistrasyon ni Duterte kaya hindi umano ito dapat masapawan ng pesonalan ng Presidente at ng senador.

Isa namang mambabatas na hindi na nagpabanggit ng pangalan dahil mi­yembro siya ng supermajority ang nagsabing,

“Ang resulta ng away na iyan nina President at Sen. De Lima, wala nang magsasalita sa amin dito (sa Kongreso) lalo na kung mayroon kang itinatago na lihim dahil baka i-reveal ng Pa­ngulo in public.”