Bank Secrecy Law, Paluluwagin ng Pangulong Duterte

Pinaplano umano ngayong paluwagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bank secrecy law upang pataasin ang nakokoletang tax sa ating bansa.

Ito ay kinumpirma ng pangulo sa mga miyembro ng Kongreso sa kaniyang plano sa 2017 national budget sa pamamagitan ni Senate President Aquilino Koko Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa pangulo, hindi magiging mainam na ilagay sa alanganin ang revenue sa pagpapababa ng income tax kung kaya't inatasan niya nang magpanukala ang Kongreso na mag-eexpand ng Value Added Tax (VAT) para sa tax reform package ng bansa.



Bagaman hindi niya tinukoy kung paano ito gagawin, sinabi ni Senate Minority leader Ralph Recto na inihayag ng pangulog posibleng mawala ang exemption ng mga senior citizens mula sa 12-percent VAT.

Una nang ipinanukala ang pagpapaluwag sa naturang batas noong Aquino Administration para siguruhin ang secrecy ng bank deposits at transaksyon.

No comments:

Post a Comment