Sa panayam ng DZMM, inirekamo ng OFW na si Joey Andres na hindi
kumikilos ang embahadang nagdadahilang wala umanong abiso ang Saudi
authorities para sa evacuation.
Batikos ng mekanikong si Andres sa Konsulada, "Matagal nang hinihingi ang aksyon nila. Wala po silang ginagawa kundi maghintay, maghintay kasi wala pa pong abiso ang awtoridad ng Saudi."
Ito'y kahit pa anya maraming Pinoy na ang nangangamba sa kanilang kaligtasan lalo't kamakailan lamang ay bumagsak ang isang rocket malapit sa mall, na ikinasakit ng maraming OFW na laging pumupunta roon.
Apat na Pilipino na rin anya ang unang nasugatan sa pagsabog ng rocket sa isang kotseng nakaparada sa isang bangkosa Najran.
Hiniling na rin nina Andres sa Embahada na ilikas sila lalo't papalapit na ang banta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
"Ang kinakatakot po ng lahat, ang nangyayari po ngayon sa kabilang border. Dati po kasi, doon ay tahimik, 'yun po ang minamakmak nang minamakmak ngayong ng giyera. Sa balita po namin, nakapasok na po mismo sa loob ng border ang mga kalaban kaya po hirap na silang kuhanin ang mga tao doon," sabi ng mekaniko.
Nilinaw din niyang, "Hindi naman po repatriation 'yung hinihingi naman e. Evacuation lang po na mailayo kami sa mas safe na lugar."
Ilang OFW na rin anya ang pinayagan ng kanilang mga amo na umalis sa Narjan. Pero kasabay nito, ilang Pilipino rin ang kinasuhan ng kanilang employers matapos magtangkang lumikas nang walang pahintulot at mahuli sa border.
Idiniin din ni Andres na hindi sapat ang pangako ng Embahada na tatawagan sila o aabisuhan sa internet oras na lumalala ang giyera at kailangan na ng evacuation dahil maaaring pumalya ang mga linya ng komunikasyon na tinatarget din sa kaguluhan.
Magugunita namang una nang naghimutok ang isang Pinay nurse sa Najran ukol sa matamlay na aksyon ng konsulada para sagipin ang mga OFW. (DZMM)

No comments:
Post a Comment