Kinilala ng AFP ang sumukong rebelde na si Alberto Egagamao, alias Abdul, na umano'y political instructor ng Southern Mindanao Regional Committee ng Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front.
Si Egagamao, na umano'y namamahala sa indoctrination at training sa mga
bagong recruit na NPA, ay sumuko sa Army sa Barangay Cabadiangan sa
bayan ng New Corella noong Sabado ng gabi.
Sa pahayag, sinabi umano ni Egagamao na nais na niyang mamuhay ng tahimik kaya siya umalis sa hanay ng mga rebelede.
Isinuko rin umano ni Egagamao ang armas niya na isang M-60 machine gun na may kasamang mga bala.
Tumulong umano ang mga lokal na opisyal at mga kaanak ni Egagamao sa pagsuko nito sa militar.
Ngayon buwan pa lamang ng Hunyo, nasa 13 kasapi na umano ng NPA ang sumuko sa iba't ibang sangay ng EASTMINCOM. Samantala, umabot naman sa 109 rebelde ang sumuko mula noong Enero. (GMA News)

No comments:
Post a Comment