Mga Stakeholders ng BBL nababahala na sa Delay

 Pinanghahawakan pa rin umano ng government peace panel ang commitment ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na patuloy nitong itataguyod ang mapayapang paraan sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Ginawa ni government peace panel head Miriam Coronel-Ferrer ang pahayag makaraang pansamantalang tinapos na ng Kamara at Senado ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law. Sa panayam ng Brigada News FM, inamin ng opisyal na nababahala rin umano ang MILF at iba pang stakeholders sa naturang usapin sa pagkakaantala ng pagpasa ng panukalang batas.



“Siyempre lahat naman po ata ng nag-aabang nito ay nababahala kung bakit hindi mangyayari. Ang maganda rito ang pahayag ng MILF na ituloy pa rin. Hindi naman sila nagba-back out,” ani Ferrer.
Una na ring inihayag ni Senate committee on local government chairman, Sen. Bongbong Marcos na posibleng sa susunod na buwan na nito matatapos ang pagtalakay sa panukalang pagbuo ng bagong Bangsamoro entity sa Mindanao, dahil mahalagang mahimay nang maayos ang bawat probisyon para dito. (Brigada)

No comments:

Post a Comment