Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Senate President Franklin Drilon, mainam umanong tuluyan nang tanggalin ang "opt-in" provision sa BBL upang lalong maging “more inclusive, sensitive and widely-acceptable.”
Binigyang diin ni Drilon na sakaling mananatili ang "opt-in" provision sa panukala ay lalong tutulan ang BBL sa halip na suportahan.
“The opt-in provision is a polarizing provision that only invites opposition, instead of support, to the BBL. I am glad that our counterparts in the House share the same view,” wika ni Drilon.
Maliban dito maalis din aniya ang pagdududa ng ilang lalawigan sa Mindanao na balak palawakin ng Bangsamoro Region sa oras ito ay maisabatas.
“It will just enflame suspicions against the BBL, however unwarranted. It is certainly not conducive to have provisions like that at this stage when we are trying to overcome the many prejudices, misconceptions and apprehensions the public holds about the BBL,” dagdag pa ng pangulo ng Senado. (Bomboradyo)
No comments:
Post a Comment