Duterte - "Pilipinas Nagbabalang Kakalas na sa United Nation"

Tahasang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas ang Pilipinas sa aniya'y bastos at inutil na organisasyong United Nations (UN).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kaninang madaling araw kasunod ng pagpuna nina UN special rapporteurs Agnes Callamard at Dainius Puras sa mga nagaganap na extrajudicial killings dahil sa anti-drug crackdown ng administrasyon.

Inihayag din ng mga UN experts na mananagot ang mga responsable sa mga summary killings at dapat itong maimbestigahan.


Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi malayong aalis na lamang ang Pilipinas kung ganyan daw kabastos ang UN.

Ayon kay Pangulong Duterte, puro naman daw pagbatikos ang ginagawa ng UN at walang pakinabang dito ang Pilipinas na nagbabayad ng kontribusyon.

Inihayag ni Duterte na dapat ibalik ng UN ang mga kontribusyon ng Pilipinas bago kakalas at balak nitong bubuo ng bagong international organization kasama daw ang China, Africa at Middle East.

Labis na ipinagdaramdam umano ni Duterte ang pagbatikos ng UN sa dami ng mga napapatay na drug criminals pero wala man lang masabi sa napakaraming inosenteng napatay din ng mga nasabing kriminal.

"Maybe we'll just have to decide to separate from the United Nations. Eh kung ganiyan kayo kabastos eh, umalis na kami diyan sa inyo," ani Pangulong Duterte.

"When were you here the last time? Never. Except to criticize... When have you done a good deed to my country? We are contributing money."

1 comment:

  1. They're useless anyway.... UN turn their eyes on the atrocities and genocides that are going on around the world and yet, they pick and choose on the countries that are trying to improve their country and the lives of its people, just like the Philippines. They're calling on the extrajudicial killings for drugs trafficking in our country but where were they when innocent people have been killed by the drug users, pushers, and lords? They were quiet! Hindi kaya kasabwat din sila sa mga pumapasok na DRUGS sa ating bansa??? Bakit sila nagre react for something na ikakaganda ng ating bansa at sa kaligtasan ng Taumbayan. The UN's reaction and decision on EJK are very odd and suspicious. BINAYARAN din kaya sila ni PNOY????

    ReplyDelete