De Lima Inamin ang Ilan sa akusasyon ni Duterte

Inamin ngayon ni Senator Leila de Lima na totoo nga ang ilan sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kaniya ngunit karamihan umano dito ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Ayon sa senadora, kasinungalingan umano ang lahat ng ibinibintang ng pangulo kaugnay sa pagkakasangkot umano niya sa iligal na droga sa ating bansa.

Isa na rito ang akusasyon ni pangulong Duterte na na kasama umano siya sa payroll ng mga druglords at ang mga nakubra niya sa mga ito ay ginamit sa kaniyang pangangampaniya nooong nakaraang eleksyon.




Paliwanag pa ni De Lima,. ang kaniyang pananahimik kaugnay sa mga ibinibintang sa kaniya dahil nahihirapan pa umano siya matapos ang naturang public shaming.

No comments:

Post a Comment