Driver Lover ni De lima Pinanawagan ni Sandra Cam na Sumuko na

Nanawagan ang kilalang whistle-blower na si Sandra Cam sa di umanoy driver lover ni senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan na sumuko na sa mga awtoridad.

Sa panayam ng Brigada News FM National kay Cam, sinabi nito na hindi makakapagtago si Dayan ng pang habang-buhay kung kayat mas maganda kung lulutang nalang ito para malinis ang kanyang pangalan.

Ayon kay Cam, mas makakabuti kay Dayan na tulungan ang gobyerno at ilahad ang kanyang nalalaman hinggil sa naging partisipasyon ng De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).




Kinakailangan rin aniya na ipaliwanag ni Dayan kung saan siya kumuha ng malaking halaga ng pera upang makapatayo ng dalawang malalaking bahay.

No comments:

Post a Comment