Nakatakdang pulungin ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald "Bato" Dela Rosa ang mga may-ari ng clubs at bars sa MNetro Manila bilang bahagi ng kanilang kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay Southern Police District (SPD) chief Superintendent Tomas Apolinario, ilalatag ng PNP ang mga polisiya at direktiba sa mga club owners kung paano nila maiiwasan ang pagkalat ng iligal na droga sa kani-kanilang mga establishments.
Dagdag pa ni Apolinario, nakipagkoordina na ang SPD sa mga local
government units para magpatupad ng mas mahigpit na ordinansa sa mga
clubs at bars.
Tatanggalin aniya ang business permit ng mga bars na hindi susunod sa mga polisiyang ilalatag sa meeting sa Miyerkules.
Inaasahang dadaluhan ang meeting nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Superintendent Oscar Albayalde, mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga LGUs ng Makati at Taguig na gaganapin sa isang club sa Bonifacio global City Taguig.
Dapat dyan sa mga club at bar n yan.Tuwing gabe reden nila kc lhat ng nagsipuntahan dyan.Bago ngsipasukan dyan nkabatak ng mga yan.Tpos sabay drugtest.Pgnahuli Sigurado walang lusot ang mga yan.
ReplyDelete