Yung naghabla sa amin, talunan yun - Binay

LEGAZPI CITY - Tinawanan na lamang ni Vice Presidente Jejomar Binay ang mga akusasyong sa kanilang pamilya may kinalaman sa makontrobersiyal na P2.7 billion na umano'y overpriced building sa lungsod ng Makati.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa ikalawang pangulo, sinabi nito na ang mga nasa likod ng naturang mga akusasyon ay namomolitika lamang at sinasakyan naman ng iilan na kontra sa kanilang partido.


Hindi man pinangalanan subalit, binigyang-diin ni Binay na ang mga talunan sa kanilang lungsod at ang mga nais na magpasikat ang nasa likod ng pagpapakalat at pagbibigay kulay sa kanilang mga nagawa sa lungsod ng Makati.


'Nakatutuwa itong inilalabas na bintang na ito, kinakalat pa na halatang-halata na politically motivated. Ang naghablang yun eh ay talunan yun sa amin.Eh dating barangay captain, nagkandidatong konsehal nanalo ang kalaban, nagkandidatong Mayor, nanalo ni Mayor Junjun Binay, tumakbo ulit na kapitan, natalo na naman, so makikita mo ang pinaggagalingan nito. Tapos sinasakyan pa ni Sen. Antonio Trillanes, eh, mahilig po siguro talaga sa angkas yun. Pero ang masasabi ko lang, at the end of the day, sa Diyos at sa tao na mapapatunayan kung hindi totoo ang mga bintang na yun." ang bahagi ng pahayag ni VP Binay.

No comments:

Post a Comment