Magugunitang sinabi ni VP Binay na umaasa pa rin siyang ang susuportahan nito sa Presidential elections dahil sa haba ng pinagsamahan lalo kay dating Pangulong Cory.
Sa media interview kay Pangulong Aquino dito sa Iloilo, inihayag nirong
ang tanging maitutulong niya kay Binay ay siguraduhing magiging malinis
at matiwasay ang 2016 elections.
Sinabi ng Pangulong Aquino na simula pa lamang noong 2010 ay hindi na sumama si Binay sa kampanya ng political group ng Liberal Party (LP) dahil mayroon itong sariling partido.
Sa kabila ito ng nabuong Noy-Bi tandem noong 2010 elections sa pangunguna ni Sen. Chiz Escudero.
Hindi naman sinagot ng Pangulong Aquino kung si DILG Sec. Mar Roxas na ang kanyang pambato sa 2016 at hintayin na lamang ang pormal na anunsyo pagkatapos ng SONA sa July.
Nais daw nitong makausap muna ang mga bumubuo ng koalisyon kasama ang kumpare niyang si Sen. Chiz.
"Hinahanap ba niya ang suporta ko? 2010, sa ibang grupo sya tumakbo, 2013, nanguna sya ng ibang grupo. Parang medyo ang layo ng kurba para makarating," wika ni Aquino. (Bomboradyo)

No comments:
Post a Comment