Showing posts with label pulis. Show all posts
Showing posts with label pulis. Show all posts

Hepe ng Special Operation Unit ng Antipolo PNP Patay matapos makipagbarilan sa mga Pusher

Pumanaw na ang pulis na nanguna sa isang drug buy bust operation sa Antipolo City. Base sa record ng Antipolo District Hospital 9:05 ng pumanaw si Police Senior Inspector Mark Gil Garcia, nasa tabi niya ang kanyang asawa at kapamilya.

Dumagsa rin ang kasamahan nito sa PNP sa ospital, at inaaaahan na darating din si PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Si Garcia ay nabaril ng hinuhuling nitong drug suspek sa Antipolo pasado 7:35 kagabi.

Habang dead on the spot ang dalawang suspek na nakilala lamang ang isa sa alyas William. Pinangunahan ni Garcia ang buy-bust operation sa Sitio Maagay 1 Brgy. InaRawan.

 

Isang pulis nito ang nagpanggap na bibili ng shabu, matapos na makumpirma na nagtutulak ng shabu ang mga nasawing ay dapat aarestuhin na ang dalawa ngunit nagpaputok ang isa sa mga suspek gamit ang isang sumpak at tinamaan sa may kanang pigi ang operatiba.

Gumanti ng putok ang mga back up pulis dahilan para ikamatay ng dalawang suspek.

Nakuha sa crime scene isang sumpak, paltik at 38 caliber.

Nakakumpiska rin ang mga pulis ng 30 plastic heat sealed na naglalam ng pinaghihinalaang shabu at P620,000 pesos na drug money.

RIP PSINSP Mark Gil Garcia

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pag pupursige ng awtoridad sa pag sugpo sa illegal na droga sa ating bansa ay nananatili parin sa ilan sa mga isipan ng ating mamamyan ang pag mamalabis ng pulis sa kapangyarihan.

Napatay po ang isa sa pinaka mabuting leader ng anti illegal drug team ng RIZAL sa isang drug buybust operation sa antipolo kagabi matapos syang barilin ng isa sa mga hinihinalang drug pusher sa nasabing lugar.


Napatalikod ako kanina kasi kitang kita ko kung paano tumangis ung mga naging kasamahan nia sa trabaho at kaklase sa pgiging plebo mapa babae o lalake opisyal at hindi, habang pinag mamasdan ang labi nia sa district hospital katabi ng kanyang may bahay na tila hindi pa pumapasok sa isip nia na wala na ang asawa nia. bigla kong naisip at tinanong ko sarili ko.

Bakit ganon.. ganon ganon nalang ba kami pag napatay sa encounter.? minsan kaya naapreciate ng tao ung pag bubuwis ng buhay ng isang pulis? naiisip kaya nila ung kaba namin kapag nag ooperate kami? minsan ba naisip ng isang sibilyan ung lalabas ka ng bahay pero hindi mo alam kung uuwi kang buhay?

Pano ung anak at pamilya mo pag namatay ka... ang babata pa ng anak ni sir Garcia at kapapanganak lang asawa nia...sobrang grabe tlaga ang sasama na ng tao ngaun...wala ng lugar na ligtas kahit saan anong oras..