Reporter, minura at binunutan ng baril ng body guard ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando

Nais kong ipabatid sa inyo ang isang pangyayari sa pagitan namin nina Bulacan Vice Governor Daniel Fernando at isa sa kanyang mga bodyguards na nakilala sa pangalang Datsun Fulgar.

Nangyari ang insidente nitong Lunes nasa humigit kumulang 5:40pm to 6pm sa Eurobake Restaurant bakeshop sa Tabang Guiguinto, Bulacan.


May dialogue sa pagitan ko (Rommel Ramos) at Fernando. Ang paguusap ay sa pamamagitan ng inisyatibo ng ilang lokal na mamamahayag sa Bulacan kaugnay ng mga issue na hindi pabor kay Fernando.

Sa aking pagkakaalam ang pag-uusap ay ikinasa sa pagitan lang naming dalawa (Ramos at Fernando) at lalabas ang mga mamamahayag at mga bodyguard nito sa sandaling magsimula na ang pag-uusap. Ngunit hindi daw pumayag si Fernando at sinabing: walang aalis diyan lang kayo at ng marinig nyo ang mga sasabihin ko.

Hanggang sa ako ay dumating sa loob ng restaurant at sinabi ni Fernando sa mataas na boses na huwag akong maupo kung saan at doon ako maupo sa tabi niya.

Sa simula pa lamang ay mataas na ang boses ni Fernando na tila gusto akong ipahiya sa harapan ng media na naroon at nga bodyguard niya.

Sa una hanggang apat kong tugon na salita ay mababa lamang ang aking boses ngunit patuloy na mataas ang boses ni Fernando kayat tinatapatan ko ang taas ng kanyang boses.
Dito biglang sumigaw ang bodyguard ni Fernando na si Fulgar na nakaupo sa isang lamesa at sinurot ako habang sinasabing: "Hoy, bastos ka! Matuto kang gumalang! Ibaba mo ang boses mo!"

Dito ako sumagot ng: "Bakit sino ka ba? Kasama ka ba sa usapan na ito? Bakit ka sumasabat?

Kasunod nito ay tumayo ang nasabing bodyguard at binunot ang kanyang baril na nasa likuran ng kanyang bewang at sumugod patungo sa akin habang sinasabing: "matapang kang putangina ka ha? Tara magsuntukan tayo! Kakasa ka bang gago ka?!"

Dito na inawat ng isang unipormadong pulis ang nagwawalang bodyguard ni Fernando.

Napansin na hindi agad umimik si Fernando upang awatin ang kanyang bodyguard at hinayaan itong makapagmura makabunot pa ng baril at sumugod.

Nagsalita na lamang si Fernando na palabasin ang kanyang bodyguard matapos itong makapagwala at tinutulak na papalabas ng isang pulis.

Habang papalabas ay muling kinuha ni Fulgar ang kanyang baril na ipinatong sa lamesa at muling isinukbit sa likurang bewang niya.

Ayon sa mga kapwa mamamahayag, patuloy na nagwawala at nagmumumura laban sa akin si Fulgar kahit ito ay nasa labas na ng restaurant.

Matapos naman ang pag-uusap namin ni Fernando ay sinabi pa umano nito sa mga naiwang mamamahayag na normal lamang ang inasal ng kanyang bodyguard dahil bodyguard nga daw niya ito.

Hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na naging aksyon si Fernando sa inasal ng kanyang bodyguard.

Bakit niya sasabihin na normal ang inasal ng kanyang bodyguard samantalang wala namang imminent threat na nagmumula sa akin.

Isa akong reporter na nagpunta doon batay sa imbitasyon ng kapwa mamamahayag. Hindi ako armado at ang nangyayari ay isang dayalogo na may kumprontasyon.

Walang impormasyon kung ito ay pinatawan ng disciplinary action hinggil sa insidente.
Nais kong ipaalam sa inyo ang insidenteng ito for reference sakaling may hindi magandang mangyari sa akin sa mga susunod na araw dahil sa banta ng bodyguard ni Fernando na si Fulgar.

Maraming Salamat!


From Jason Phillip Gutierrez

No comments:

Post a Comment